3 batang Payatas special guest ng Pangulo
July 24, 2001 | 12:00am
Tatlong mga bata mula sa Payatas, Quezon City ang naging espesyal na panauhin ni Pangulong Arroyo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) kahapon.
Sina Jayson, Jomar at Erwin ay lumiham sa Pangulo at ipinaabot sa Malakanyang sa pamamagitan ng mga bangkang papel na pinalutang sa ilog Pasig. Nakasaad sa liham ni Jomar Pabalan, 10, ang pagnanais na mabigyan ng permanenteng trabaho ang kanyang ama. Pangarap namang makapag-aral hanggang kolehiyo ni Jason Vann Banogan, 10, habang si Erwin Dolera, 8, ay humiling na ipasara ang Payatas dumpsite at mabigyan ng lote ang kanyang pamilya.
"Jason, Jomar at Erwin, pakinggan ninyo ako. Pararamihin natin ang mga kababayang may trabaho, pararamihin natin ang mga batang makapag-aaral sa kolehiyo at ang mga kababayan nating may sariling tahanan," pangako ng Pangulo sa tatlong bata. Hiniling din ng Pangulo sa sambayanan na tulungan siya para matupad ang pangarap nina Jason, Jomar at Erwin. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
11 hours ago
Recommended