Shoot-out talagaPNP
July 23, 2001 | 12:00am
Shoot-out ang pangyayari!
Ito ang mariing depensa kahapon ng tanggapan ng Philippine National Police -Intelligence Group (PNP-IG) sa kanilang mga tauhan matapos na paringgan ng mga kritiko na rubout umano ang isinagawang operasyon ng mga pulis gaya sa Kuratong Baleleng case sa mga hinihinalang miyembro ng notoryus na martilyo gang na nagresulta ng pagkasawi ng pitong suspek kamakalawa ng gabi sa Bonifacio Drive, Port Area, Manila.
Ayon kay Sr. Supt. Jayme Karingal, Dep. Dir. for Admin. ng PNP-IG, lehitimo ang isinagawang operasyon ng kanyang mga tauhan laban sa mga hinihinalang miyembro ng nasabing grupo.
Aniya, malinaw na shootout ang naganap sa nasabing insidente kung kaya masakit din sa loob nila na makarinig pa ng mga hindi inaasahang pagbatikos sa ginawa nila umanong pagtatrabaho laban sa nasabing elementong kriminal.
Samantala, kinilala na ang lima sa siyam na suspek na pawang nasawi sa pinangyarihan ng insidente na sina Giovani Jalique, Nhold Usop, Ricky Ismael, Abdul Theng at Dizari Piang. Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng apat pang suspek. (Ulat nina Joy Cantos at Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest