^

Bansa

First Gentleman isinabit ng kaibigan ng Pangulo sa isyu ng suhulan

-
Kinampihan ni Pangulong Arroyo ang kanyang asawang si First Gentleman Mike Arroyo kaugnay ng alegasyon ng kanyang matalik na kaibigan sa umano’y suhulan.

Ayon sa Pangulo, malabong tumanggap ng salapi ang kanyang asawa dahil wala naman itong ipinakiusap o ginawang pagla-lobby.

Ito ay matapos na akusahan ni Presidential friend Bing Rodrigo na kumita umano ang First Gentleman matapos mag-lobby para bawiin ng Pangulo ang pag-veto sa inaprubahang franchise application ng isang kumpanya ni Jaime Dichavez na naging kontrobersiyal at umako sa Jose Velarde account sa impeachment trial.

Inamin ng Pangulo na nagbitiw si Rodrigo sa kanyang puwesto bilang correspondence secretary sa Malacañang pero sa personal na rason.

Si Rodrigo ay kababata at classmate mula elementary hanggang high school ng Pangulo. (Ulat ni Ely Saludar)

AYON

BING RODRIGO

ELY SALUDAR

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

INAMIN

JAIME DICHAVEZ

JOSE VELARDE

PANGULO

PANGULONG ARROYO

SI RODRIGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with