^

Bansa

Text jokes na bastos babala ni GMA sa mga kawani ng gobyerno

-
Babala sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno na mahilig magpadala ng bastos na text jokes.

Puwede na ngayong kasuhan ng sexual harassment ang mga opisyal at kawani ng gobyerno na nagpapadala ng malalaswang mensahe na maglalagay sa kahihiyan sa isang biktima.

Sa pahayag ng Pangulo, inilunsad niya ang bagong Administrative Discipilinary Rules on Sexual Harassment Cases na magbibilang sa nagpapadala ng bastos na text message, fax, telepono at e-mail bilang bahagi ng Republic Acty No. 7877 na ipinalabas ng Civil Service Commission (CSC).

Sa direktiba ng CSC na epektibo sa Agosto 5, 2001 ay maaaring magreklamo ang sinuman na makakatanggap ng bastos na text mula sa mga opisyal at empleyado ng gobyeno. Posibleng masibak sa puwesto ang isang inireklamo kapag tatlong beses na siyang nahuli.

Sinabi naman ni Bukidnon Rep. Juan Miguel Zubiri na dapat magpalabas ng malawak na information campaign ang CSC dahil maaaring maraming kawani at opisyal ng gobyerno ang makasuhan sa kakulangan ng kaalaman sa nasabing direktiba.

Dapat din umanong pag-aralan itong mabuti dahil baka lumalabag na ito sa freedom of speech. (Ulat ni Lilia Tolentino at Malou Rongalerios)

vuukle comment

ADMINISTRATIVE DISCIPILINARY RULES

AGOSTO

BABALA

BUKIDNON REP

CIVIL SERVICE COMMISSION

JUAN MIGUEL ZUBIRI

LILIA TOLENTINO

MALOU RONGALERIOS

REPUBLIC ACTY NO

SEXUAL HARASSMENT CASES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with