Ayon kay Manila Rep. Harry Angpin, hindi makakabawi ang pananalapi sa bansa kundi matutukoy ang mga sindikato na nasa likod ng ispekulasyon.
Sinabi pa ng kongresista na dapat gumawa ng paraan ang BSP para maparusahan ang mga negosyante at mamamayan na itinatago ang kanilang dolyar at inilalabas lamang ito kapag mataas na ang palitan o tuluyan nang bumagsak ang piso.
Naniniwala si Angpin na kung tutuusin ay mataas pa rin ang halaga ng piso kumpara sa pananalapi ng karatig bansa katulad ng Indonesian rupiah, Japanese yen, Taiwan dollar at maging dolyar ng Singapore.
Iginiit ni Angpin na hindi sapat ang pagpapalabas ng BSP ng kanilang dollar reserves para masagip ang piso kung patuloy naman na sasamantalahin ng mga tiwaling negosyante ang sitwasyon ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi nito na bumaba rin ang ipinadadalang remmittances ng mga OFW at sobrang mahina ang pagpasok ng mga namumuhunan sa bansa kaya lalong sumasadsad ang halaga ng piso kontra sa dolyar. (Ulat ni Malou Rongalerios)