PNP officials, artista sabit sa drug trade
July 20, 2001 | 12:00am
Ilang matataas na opisyal ng PNP ang umanoy naghuhudas sa sarili nilang bakuran matapos ibunyag ang kanilang pagkakasangkot kasama ang ilang mga sikat na artista sa malawakang illegal drug operations na ang transaksiyon ay ginagawa mismo sa loob umano ng Camp Crame.
Sa pagbubunyag kahapon ng isang nagpakilalang Ma. Ester "Matet" Concon, pinatay ang mga kapatid niyang sina John at Tom Concon matapos magdesisyon ang mga ito na ibunyag ang kanilang nalalaman sa sindikato na kumikilos sa loob mismo ng Camp Crame.
Si John na isang junior golf champion ay pinatay sa saksak noong nakaraang Abril. Asawa ito ng isang Sr. Insp. Armi dela Cruz na nakatalaga sa Directorate for Operations na pinamumunuan ni P/Director Edgar Aglipay at matalik umanong kaibigan ng anak ni PNP chief, Director Gen. Leandro Mendoza na si Jet Mendoza.
Samantala noong nakaraang Hulyo 1 ay nawawala na si Tom at sa takot ni Matet na matulad ito kay John ay nagpasya itong lumapit sa media para humingi ng tulong.
Ibinunyag pa ni Matet na noong 1994 ay kasama pa siya ni John na pumunta sa Crame para personal na kunin ang tatlong kilo ng shabu sa mga tauhan umano nang noon ay PNP chief, Director Gen. Cesar Nazareno.
Idineliber umano nila ni John ang shabu sa isang bahay sa Quezon City kung saan nadatnan nila dito ang kilalang mga artistang sina Nora Aunor, Ace Vergel, Tonton Gutierrez at ang noon ay nabubuhay pang si Eddie Fernandez, ama ng concert queen na si Pops Fernandez.
Sa panig naman ng PNP, bahagi umano ng demolition job para sirain ang imahe ng kapulisan ang ginawang pagbubulgar ni Matet na nagdadawit sa ilang mataas na opisyal sa malawakang drug trade.
Hanggat wala umanong ebidensiya ay ituturing niya na "fantastic tale" o kamangha-manghang kuwento ang expose ni Matet ngunit kung may maihaharap umano itong ebidensiya ay handa siyang paimbestigahan ito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended