Ito ang nakasaad sa Senate bill 1150 na layuning amyendahan ang umiiral na Article 282 ng ating Labor Code.
Sinabi ni Magsaysay na dapat ay maging ganap na regular employee ang isang skilled worker sa sandaling malampasan nito ang 3-months probationary period, habang mananatili naman ang 6 months probationary period sa mga unskilled workers.
Ang panukala ay may adhikaing bigyan ng security of tenure ang mga manggagawa habang sila ay nasa probationary period. (Ulat ni Rudy Andal)