Isa sa mga bihag na nurse ginahasa ni Sabaya
July 18, 2001 | 12:00am
Ginahasa ni Abu Sayyaf spokesman Aldam Tilao alyas Abu Sabaya ang isa sa dalawang nurse na bihag ng mga bandido sa lalawigan ng Basilan.
Ito ang kinumpirma kahapon ng isang mataas na opisyal ng AFP na kabilang sa mga nangangasiwa sa opensiba ng militar laban sa teroristang grupo.
Ayon sa source, ang babaeng bihag na itinangging pangalanan ay ginahasa ni Sabaya noong ika-2 ng Hunyo ng maganap ang paglusob ng mga bandido sa Jose Torres Memorial Hospital sa Lamitan bagaman kailan lamang ito nakarating sa kaalaman ng militar base na rin sa masinsinang pakikipag-usap ng opisyal sa ilan sa mga pinakawalang hostage.
"There were confirmed reports that Sabaya had actually raped the victim inside the hospitals toilet while his men were exchanging gunfire with our troops," pahayag ng opisyal.
Matapos ang panghahalay ay kasamang binihag ng mga ASG ang babae at hanggang sa kasalukuyan ay iginigiit na gawing isa sa mga asawa ni Sabaya.
Naniniwala naman ang militar na gumon sa droga si Sabaya ng maganap ang panggagahasa sa babae. Apat na nurse ang sinasabing tinangay ng mga bandido mula sa naturang ospital, pero nauna nang pinalaya ang ilan sa mga Lamitan hostages.
Nauna rito, ipinagmalaki ni Sabaya na "mas maganda ang kanilang mga babaeng bihag" kumpara sa dalawang sexy actress na sina Marinella Moran at Katrina Paula na nag-aalok sa kanya ng isang buwang "kaligayahan" kapalit ng pagpapalaya sa mga bihag.
Iginiit ni Sabaya na mas gusto niya ang birhen kumpara sa dalawang starlet na bihasa na umano sa kama.
Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang operasyon ng militar at pulisya laban sa mga bandido para mabawi ang natitirang bihag na hawak nila. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest