^

Bansa

2 ABB leader dinakma

-
Nabulgar ang planong paghahasik ng kaguluhan sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Arroyo makaraang maaresto ang dalawang mataas na opisyal ng Alex Boncayao Brigade (ABB).

Kinilala ni Army chief Lt. Gen. Jaime delos Santos ang nahuling mga rebelde na sina Danilo Singh alyas Roland/Bombay, secretary ng Partido Marxista-Leninista ng Pilipinas (PMLP) at kasalukuyang national commander ng ABB-PMLP; at si Rolando Marcelo alyas Joel, pangulo ng PMLP education department.

Ang dalawa ay nadakip matapos ang halos dalawang linggong surveillance operations sa bisinidad ng Commonwealth Avenue kamakalawa dakong alas-10:30 ng umaga.

Nasamsam sa pag-iingat ng dalawa ang isang fragmentation grenade, isang colt cal. 45 Remington pistol at mga subersibong dokumento.

Nadiskubre sa subersibong mga dokumento ang plano ng grupo na magsagawa ng malawakang civil disturbance o mga kilos protesta na itataon sa SONA ng Pangulo sa darating na Lunes, Hulyo 23.

Nakasaad sa plano na magsisimulang magmartsa ang grupo sa Commonwealth Ave. patungong Batasan at doon mag-iingay para batikusin ang kasalukuyang administrasyon.

Base sa rekord ng militar, ang dalawa ang responsable sa pagpaslang kina Angelo dela Cruz, general manager ng Kawasaki Philippines noong Nobyembre 2000; Remedio Pascua, ng Bulacan noong Oktubre 2000 sa Meycauayan, Bulacan; Gregorio Yater, presidente ng Katipunan ng mga Kooperatibang Pangsasakyan ng Pilipinas noong Set. 14, 2000 at Enrique Aldon, pangulo ng Ugnayan ng Maralita sa Letre (UMALE) sa Malabon noong Nob. 27, 1999.

Masusi ring sinisiyasat ang posibleng pagkakasangkot nila sa pagpaslang kay labor leader Felimon "Popoy" Lagman.

Sinabi ni Army spokesman Col. Jose Mabanta na wala silang namonitor na bayolenteng plano ng grupo tulad ng kill plot laban sa Pangulo.

Handa naman ang mga tauhan ng AFP at PNP sa pagbibigay seguridad sa kaligtasan ni Pangulong Arroyo kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang ABB officials.

May 3,000 pulis ang ipapakalat sa mga kritikal na lugar sa nakatakdang SONA sa Lunes at nasa maximum red alert na rin ang Metro Manila. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ALEX BONCAYAO BRIGADE

BULACAN

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

DANILO SINGH

ENRIQUE ALDON

GREGORIO YATER

JOSE MABANTA

JOY CANTOS

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with