Lacson walang balak kasuhan si Ador

Wala nang balak pang kasuhan ni opposition Senator Panfilo Lacson si Angelo Manaway alyas Ador sa kabila ng mga akusasyon ng huli laban sa una.

Ito ang ipinahayag kahapon ni Lacson matapos siyang makipagpulong kay Pangulong Arroyo.

Ayon kay Lacson, ipinauubaya na lamang niya sa Diyos ang kay Ador at sa mga detractors niya na gumawa ng haka-haka para sirain ang kanyang pagkatao at imahe.

Sa pakikipagkita nito sa Pangulo, pinabulaanan niya ang balitang bahagi siya ng destabilization plot laban sa Arroyo government.

Sinabi pa ni Lacson na ang pagpunta niya sa Malacañang ay tanda ng pakikipagkasundo niya sa pamahalaan at para siguruhin sa pinuno ng bansa na hindi siya magiging tinik sa lalamunan ng kasalukuyang liderato. (Ulat nina Rudy Andal at Lilia Tolentino)

Show comments