Bagamat pabiro itong sinabi ng senadora, naniniwala ito na hindi diborsiyo ang sagot sa hindi nagkakasundong mag-asawa. Bilang isang bansang Katoliko ay hindi tinatanggap ng simbahan na paghiwalayin ng tao ang dalawang nilikhang pinag-isa ng Diyos.
Marami anyang pamamaraan para maayos ang gusot ng isang mag-asawa tulad ng counseling, legal separation o annulment of marriage kaya hindi na kailangan ang divorce.
Mas pabor pa si Senator Estrada na gawing legal na lamang ang jueteng na ang nakikinabang lamang ay mga gambling lords at ilang tiwaling tauhan ng militar, pulisya at lokal na pamahalaan.
Mas makatutulong pa anya ang jueteng sa pagbibigay ng trabaho sa mamamayan partikular sa mga lalawigan. (Ulat ni Rudy Andal)