^

Bansa

Loi tutol sa divorce pero pabor sa jueteng

-
Hindi pabor si Senator Loi Estrada sa panukalang magkaroon ng diborsiyo sa bansa na isinusulong sa Senado dahil sa pangamba na sakaling pumasa at maging batas ito ay bigla siyang i-diborsiyo ni dating Pangulong Estrada.

Bagamat pabiro itong sinabi ng senadora, naniniwala ito na hindi diborsiyo ang sagot sa hindi nagkakasundong mag-asawa. Bilang isang bansang Katoliko ay hindi tinatanggap ng simbahan na paghiwalayin ng tao ang dalawang nilikhang pinag-isa ng Diyos.

Marami anyang pamamaraan para maayos ang gusot ng isang mag-asawa tulad ng counseling, legal separation o annulment of marriage kaya hindi na kailangan ang divorce.

Mas pabor pa si Senator Estrada na gawing legal na lamang ang jueteng na ang nakikinabang lamang ay mga gambling lords at ilang tiwaling tauhan ng militar, pulisya at lokal na pamahalaan.

Mas makatutulong pa anya ang jueteng sa pagbibigay ng trabaho sa mamamayan partikular sa mga lalawigan. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BAGAMAT

BILANG

DIYOS

KATOLIKO

MARAMI

PANGULONG ESTRADA

RUDY ANDAL

SENADO

SENATOR ESTRADA

SENATOR LOI ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with