^

Bansa

Engineer, architect nalitson nang masunog ang DPWH

-
Isang 36-anyos na Inhinyero at 43-anyos na Arkitekto ang natusta nang makulong ang mga ito sa loob ng Motorpool section habang nasusunog ang gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Port Area, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Sunog na sunog ang mga katawan ng mga biktima at halos di na makilala nang marekober ng mga nagresponding bumbero na kinilalang sina Civil Engineer Leo Dacarra at Architect Marion Monge, pawang nagmula sa Iriga Regional Office ng DPWH, nakatalaga sa International Bank and Rural Development Project na nakabase sa Metro Manila at stay-in employee sa DPWH-National Capital Region sa Chicago St., Port Area.

Sa ulat ni SFO4 Danilo Tanusan, ng Manila Fire Department, dakong alas-2:15 ng madaling-araw nang magsimulang mamataan ang makapal na usok sa quarters ng mga biktima sa ground floor ng Motorpool Section ng nasabing ahensya.

Sinabi ng ilang opisyal ng DPWH na posibleng faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog.

Nabatid na mabilis na kumalat ang apoy na umano’y nagmula sa tinutuluyang magkakahiwalay na silid ng mga biktima. Hindi na nagawa pang makalabas ang mga ito matapos na ma-trap sa loob ng kanilang kuwarto at agad namang nadamay na kainin ng apoy ang ikalawang palapag ng gusali ng nasabing ahensya ng pamahalaan.

Nahirapan naman ang mga nagresponding pamatay sunog na agad na maapula ang apoy hanggang sa mahagip pa ang mga nakaparadang apat na kotse at isang owner type jeep.

Umabot sa ikalimang alarma ang sunog na tumagal ng halos isang oras.

Sinabi ng mga arson investigator na posibleng nagpumilit ang mga biktima na makalabas subalit hindi nila natagalan ang makapal na usok at ma-suffocate dahil sa narekober ng mga bumbero ang katawan ni Monge na nakatalukbong pa ng nasunog na kumot at may hawak na basang damit sa kanyang kuwarto at si Dacarra naman ay nakita sa loob ng banyo ng kanyang silid.

Tinatayang aabot sa mahigit P10 milyong halaga ng mga ari-arian at kasangkapan ang naabo habang inaalam pa ng mga opisyales ng DPWH kung may mga mahahalagang dokumento ng nasabing ahensya ang kasamang napinsala sa sunog.

Inaalam pa kung may foul play sa naturang insidente. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

ARCHITECT MARION MONGE

CHICAGO ST.

CIVIL ENGINEER LEO DACARRA

DANILO TANUSAN

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

INTERNATIONAL BANK AND RURAL DEVELOPMENT PROJECT

IRIGA REGIONAL OFFICE

PORT AREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with