Sa pinakahuling ulat ng National HIV Sentinel Surveillance System ng DOH na nakabase sa San Lazaro Hospital ay mayroong kabuuang 1,503 na Human Immuno Virus (HIV) cases at 503 sa mga ito ang full blown AIDS habang 223 naman dito ang namatay na.
Nabatid pa na sa mga nasabing bilang 50 sa mga ito ay nahawahan ng HIV dahil sa heterosexual contacts, 10 naman ang pakikipagtalik sa bakla at isa sa pakikipagtalik sa silahis.
Binigyang diin sa ulat na inihanda nina Dr. Ricardo Mateo Jr. at Noel S. Palaypon-RN na ang pagiging circumcized ng karamihang lalaki sa bansa ang nagbibigay sa kanila ng malakas na pangontra upang hindi agad mahawahan ng HIV.
Idinagdag pa na sa mga mahihilig sa multiple partners maging ito man ay bakla, silahis o hetero ay lumilitaw na ang kawalang hilig ng mga Pinoy sa anal sex ay positibong factor din upang bumaba ang nagkakaroon o nahahawa sa AIDS. (Ulat ni Andi Garcia)