Sabaya, Janjalani aburido na sa patuloy na military offensive
July 16, 2001 | 12:00am
Hindi malayong dumaranas na ng mental torture sina Abu Sayyaf leader Khadaffy Janjalani at Spokesman ng mga bandidong si Abu Sabaya bunga ng matinding "pressure" laban sa kanilang isinasagawang military operation ng tropa ng pamahalaan sa Basilan.
Base sa intelligence report, sinabi ni Armed Forces of the Phils.(AFP) Chief of Staff Gen. Diomedio Villanueva, hindi na umano mapalagay ngayon ang dalawang Sayyaf leader dahilan sa hakbangin ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na pilayin ang operasyon ng mga bandidong grupo.
Nauna nang nagdeklara ng suspensyon ng "writ of habeas corpus" ang pamahalaan hindi lamang sa Abu Sayyaf kundi maging sa itinuturong mga supporters ng mga ito na pinagdadampot ng mga awtoridad sa Basilan kung saan ay mistulang nagkaroon umano ng "mini-martial law" sa nasabing lugar.
Una rito, inamin ni AFP Spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan na hanggat hindi natitigil ang pagtulong at pagkakanlong ng maraming mga residente sa Basilan sa grupo nina Sabaya at Janjalani ay mahihirapan ang tropa ng pamahalaan na durugin ang mga bandido na patuloy na bumibihag sa nalalabi pang 21 hostages.
Ipinalalagay naman ni Villanueva na ang nasabing mental torture o pagkaaburido nina Sabaya at Janjalani ang maaaring dahilan kung bakit nagpupumilit ang una na humingi ng asylum sa bansang Libya. Naniniwala naman si Villanueva na hindi basta-basta bibigyan ng asylum ng pamhalaang Libya si Sabaya.
Samantala, sinabi ni Lt. Gen. Gregorio Camiling, Hepe ng Armed Forces Southern Command na namataan umano ng militar ang ilan sa mga babaing hostages habang patuloy ang isinasagawang pagtugis sa grupo ng mga bandido.
Gayunman, tumanggi muna si Camiling na ihayag ang eksaktong araw at lokasyon kung saan nakita ang mga hostages at sinabi nito na ginagawang pananggalang ngayon ng mga bandido ang mga bihag.
Binanggit ni Camiling na ang mag-asawang Amerikanong sina Martin at Gracia Burnham, dalawang Pilipino na sina Angie Montealegre at Maria Fe Rosadeño, na kabilang sa batch ng Palawan hostages ay nasa Sampinit complex kasama ang mga bandido na kumikilos sa mga piling mga lugar doon.
Sa kabilang dako, nalambat naman ng mga mangingisda sa baybayin ng Brgy. Lantawan ang isang nakalutang na bangkay ng isang lalaki na walang ulo at hinihinalang kasapi ng mga bandidong Abu Sayyaf noong Miyerkules.
Mahigpit naman ang isinasagawang seguridad ng militar sa mga baybayin sa Mindanao matapos ang posibleng pagtakas ng mga bandido kasama ang mga hostages sa pamamagitan ng paglanding at pagtawid sa ibang baybayin sakay ng mga motorboat.
Inaasahang tutungo ang mga bandido sa Southern Mindanao shorelines sa gawing Davao Oriental pababa sa mga isla ng Balut at Saranggani kung saan dito namumugad at nakabase ang mga pirata sa karagatan.
May mga ulat na umanong paglanding ng mga bandido sakay ng "kumpit", isang mabilis na motorboat noong nakalipas na linggo sa mga baybayin ng Sta. Cruz at Malita, Davao del Sur at sa mga lalawigan ng Saranggani at South Cotabato. (Ulat nina Joy Cantos, Roel Pareño at Edith Regalado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended