^

Bansa

Sydney massacre: DFA inatasang tumulong

-
Inatasan na ni Pangulong Arroyo si Vice President at Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona na tulungan ang pamilya ng minasaker sa Sydney, Australia at makipag-ugnayan sa mga awtoridad doon hinggil sa status ng kaso.

Kasabay ito ng kahilingan ng dalawang senador na makialam na sa imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) sa naganap na pamamaslang para makasiguro na walang mangyayaring "white wash"sa isinasagawang pagsisiyasat ng pulisya sa nabanggit na bansa.

Ito ang tahasang hiniling nina Senators Blas Ople at Gringo Honasan makaraang mabatid na maaaring "racist" ang motibo sa likod ng pamamaslang sa mga biktimang sina Atty. Ted Gonzales, 46; Mary Josephine Loiva, 43 at anak nilang si Claudine, 18, na nabatid na nagdiwang ng kanyang ika-18 kaarawan isang araw bago naganap ang karumal-dumal na krimen.

Sa pinakahuling balitang nakuha, kinumpirma ni Australian detective Insp. Geoff Leonard na pinatay sa pamamagitan ng saksak sa katawan ang mga biktima at lumilitaw din na nilaslas pa ang leeg ni Mrs. Gonzales na may indikasyon na mas malaki ang galit ng mga salarin dito dahil sa paraan ng pagpatay dito.

Dalawang motibo ang pansamantalang lumutang at ayon sa pulisya ay maaaring racial discrimination at envy o pagkainggit sa naging matayog na pamumuhay na tinatamasa ngayon ng pamilya Gonzales.

Kaugnay nito, nagtungo na kamakalawa ng gabi ang dalawang kapatid ni Mr. Gonzales na sina Annie Gonzales-Tesoro at Freddie Gonzales para damayan ang pamangkin na si Sef na nakaligtas sa masaker at tumulong sa pag-aasikaso sa mga labi ng mga biktima. (Ulat nina Lilia Tolentino,Grace Amargo at Butch Quejada)

ANNIE GONZALES-TESORO

BUTCH QUEJADA

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY TEOFISTO GUINGONA

FREDDIE GONZALES

GEOFF LEONARD

GRACE AMARGO

GRINGO HONASAN

LILIA TOLENTINO

MARY JOSEPHINE LOIVA

MR. GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with