^

Bansa

'CAT buwagin na rin'

-
Hindi lamang ang Reserved Officers Training Corps (ROTC) ang nais ngayong buwagin ng isang mambabatas kundi maging ang Citizens Army Training (CAT).

Ayon kay Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada Jr., panahon na upang alisin sa sistema ng edukasyon ang mga kursong pang-militar dahil kalimitan ay pinagmumulan lamang ito ng katiwalian. Hindi umano nakakatulong sa mga estudyante lalo na sa mga nagmula sa mahirap na pamilya ang CAT subject dahil nadadagdagan lamang ang gastusin ng mga magulang.

"Hindi na nga alam ng ilang magulang kung saan kukunin ang pampaaral sa kanilang anak, dadagdagan pa ito ng gastos na mula P2,500 hanggang P3,000 para sa CAT uniforms, boots at iba pang CAT paraphernalia," ani Lozada.

Ang mas dapat umanong patatagin ay ang Physical Education (PE) at iba pang socio-civic subjects.

Nais din ni Lozada na isama sa PE ang mga laro sa national at international competitions katulad ng archery, taekwondo, basketball, volleyball, swimming at track & field.

Imbes na ibilad umano sa araw ang mga estudyante kapag may CAT ay dapat pagtanimin na lamang ang mga ito ng punongkahoy o kaya ay isama sa mga dental at medical missions. (Ulat ni Malou Rongalerios)

APOLINARIO LOZADA JR.

AYON

CITIZENS ARMY TRAINING

IMBES

LOZADA

MALOU RONGALERIOS

NEGROS OCCIDENTAL REP

PHYSICAL EDUCATION

RESERVED OFFICERS TRAINING CORPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with