Hustisya sigaw sa Sydney massacre
July 14, 2001 | 12:00am
Tatlong araw matapos patayin ang kanyang pamilya sa Sydney, Australia, humarap kahapon sa isang news conference ang nakaligtas na anak na si Sef Gonzales, 20, at humingi ng katarungan sa sinapit ng kanyang mga magulang at kapatid.
Sa kanyang public plea, nagmakaawa si Sef sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa krimen na tulungan siyang mahuli ang mga pumatay sa kanyang amang si Teddy, 46; inang si Loiva, 43, at kapatid na si Claudine, 18.
Sa kasalukuyan ay wala pa ring naituturong suspek sa pagpatay ang Australian authorities .
Ayon sa kaanak ng pamilya Gonzales sa Baguio City, wala pa silang natatanggap na impormasyon mula sa Embahada ng Australia tungkol sa motibo ng pagpatay.
Nanawagan naman si Vice President Teofisto Guingona sa mga Pinoy sa Australia na magpakahinahon matapos lumabas ang balitang racial discrimination ang lumalabas na motibo sa pagmasaker.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended