Sa panayam kay House Secretary General Roberto Nazareno, handa itong magtayo ng isang task force para mag-imbestiga sa nasabing isyu.
Dapat umanong malaman kung paanong ang isang empleyado ay nakakapag-overtime ng halos 200 oras sa loob lamang ng isang buwan at tumatanggap ng P30,000 para lamang sa kanilang overtime.
Iniutos na ni Nazareno ang pagpapatupad ng paggamit ng boundy clock at hindi na papayagan ang sulat-kamay na time record.
Ayon naman kay Executive Director Jose Ma. Antonio ng Administrative Management Bureau, marami na ring sumbong ang nakakarating sa kanya kaugnay sa isang partikular na empleyada na nakikitang sumasakay sa shuttle tuwing sumasapit ang alas-5 o minsan ay alas-6 ng hapon, pero nagagawang makapagdeklara ng napakalaking overtime. (Ulat ni Malou Rongalerios)