^

Bansa

Malaking 'overtime' pay ng mga House employees sisiyasatin

-
Iimbestigahan ng tanggapan ng House Secretary General ang nabunyag na malalaking overtime pay na tinatanggap ng ilang kawani ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa panayam kay House Secretary General Roberto Nazareno, handa itong magtayo ng isang task force para mag-imbestiga sa nasabing isyu.

Dapat umanong malaman kung paanong ang isang empleyado ay nakakapag-overtime ng halos 200 oras sa loob lamang ng isang buwan at tumatanggap ng P30,000 para lamang sa kanilang overtime.

Iniutos na ni Nazareno ang pagpapatupad ng paggamit ng boundy clock at hindi na papayagan ang sulat-kamay na time record.

Ayon naman kay Executive Director Jose Ma. Antonio ng Administrative Management Bureau, marami na ring sumbong ang nakakarating sa kanya kaugnay sa isang partikular na empleyada na nakikitang sumasakay sa shuttle tuwing sumasapit ang alas-5 o minsan ay alas-6 ng hapon, pero nagagawang makapagdeklara ng napakalaking overtime. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ADMINISTRATIVE MANAGEMENT BUREAU

AYON

DAPAT

EXECUTIVE DIRECTOR JOSE MA

HOUSE SECRETARY GENERAL

HOUSE SECRETARY GENERAL ROBERTO NAZARENO

IIMBESTIGAHAN

INIUTOS

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU RONGALERIOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with