^

Bansa

Hirit ng kampo ni Erap, may pag-asa pa sa SC

-
Sa kabila ng pagkabigo ng kampo ni dating Pangulong Estrada na maharang ang arraignment kamakalawa, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa na muli itong makahirit makaraang kumpirmahin ng Korte Suprema na itutuloy sa susunod na linggo ang pagtalakay sa isinampang "petition for certiorari and prohibition."

Sa panayam kay Atty. Luzviminda Puno ng SC, hindi umano maaapektuhan ng ilalabas na resolusyon kahit hindi naihabol ang kahilingan ng kampo ni Estrada na magpalabas ang SC ng temporary restraining order (TRO) upang pigilan ang pagbasa ng sakdal.

Kung lalabas na unconstitutional ang kasong plunder na nais maliwanagan ng mga abogado ni Estrada, posibleng mapawalang-saysay ang naganap na arraignment at idedeklarang walang isinampang kasong plunder at iba pang kaso na kaakibat nito partikular ang illegal use of aliases. (Ulat ni Grace Amargo)

ARRAIGNMENT

ESTRADA

GRACE AMARGO

ISINAMPANG

KAMPO

KORTE SUPREMA

LUZVIMINDA PUNO

PANGULONG ESTRADA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with