2 kumpanya ng tubig iimbestigahan ng Kongreso sa palpak na serbisyo
July 12, 2001 | 12:00am
Ipapatawag ng Kongreso ang dalawang kumpanya ng tubig dahil sa kabiguan ng mga ito na makapagbigay ng mahusay na serbisyo sa mga mamamayan sa kalakhang Maynila.
Ayon kay Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada, Jr., hindi tumupad sa kanilang nilagdaang kontrata ang Manila Water Company, Inc. at Maynilad Water Services, Inc.
Marami na umano ang nagrereklamo na kulay kalawang at masama ang amoy ng tubig na kadalasang lumalabas sa gripo sa ilang lugar sa Maynila.
Nagdesisyon umano ang gobyerno na gawing pribado ang serbisyo ng tubig para mas maging maayos ang delivery sa mga mamamayan subalit kabaligtaran ang nangyari. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended