Pinoy family minasaker sa Sydney
July 12, 2001 | 12:00am
Isang pamilyang Filipino sa Sydney, Australia ang pinatay ng di pa nakikilalang mga suspek sa loob mismo ng tahanan ng mga ito.
Ang mga bangkay nina Ted Gonzales, 46, isang abogado; asawa nitong si Elvira, 43, at anak na dalaga na si Claudine, 18, ay nadiskubre nang nakaligtas na isa pang anak na lalaki na hindi nakuha ang pangalan.
Sa inisyal na ulat, nadiskubre ang krimen ng umuwi ang 20-anyos na anak na lalaki bandang hatinggabi at makita ang longueroom ng bahay na nagkalat ang dugo.
Agad nitong inalarma ang pulisya na mabilis namang rumesponde.
Sa pahayag ng Australian detectives, ang pagpatay ay karumal-dumal bagamat hindi na nagbigay pa ng detalye kung papaano pinatay ang tatlo at wala pang motibo sa nasabing pagmasaker.
"Obviously any murder is a tragedy, but in this particular case its an outrage," wika ni New South Wales police force Supt. Mick Plotecki.
Nangako naman ang pulisya sa Australia na gagamitin ang buong puwersa nito para maaresto ang mga salarin.
Nabatid sa kapitbahay na si Wendel Judd, tahimik na naninirahan sa North Ryder ang pamilya Gonzales matapos mag-migrate ang mga ito sa nasabing bansa noong 1990s. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended