Erap hindi naghain ng plea
July 11, 2001 | 12:00am
Sa ikalawang pagkakataon ay hindi naghain ng plea si dating Pangulong Joseph Estrada sa ginawang pagbasa ng sakdal sa kanya sa 3rd Division ng Sandiganbayan para sa kasong plunder matapos ibasura ng korte ang inihaing motion ng mga abogado ni Estrada na humihiling na ipagpaliban ang arraignment.
Naging emosyonal ang pagbasa ng kaso ni Estrada para sa kasong plunder kung saan napikon ito sa pagtawag sa kanya ng Jose Velarde at Asiong Salonga at nagwika na siya pa rin ang Presidente ng Pilipinas.
"I would like to make clarification before this court that I am known as Joseph Estrada, former Mayor of San Juan, former Senator, former Vice-President of the Republic of the Philippines. I am not Jose Velarde, Iam not Asiong Salonga, Its a role I played 40 years ago," ang nanginginig na galit na boses ni Estrada.
Sinabi pa nito na siya ay pinayuhan ng kanyang mga abogado na hindi maghahain ng anumang plea kayat si Justice Anacleto Badoy Jr., ng 3rd Division ng Sandiganbayan ang naghain ng not guilty para sa kanya.
Maging sina dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada at Edward Serapio na nahaharap din sa kasong plunder ay tumangging maghain ng plea kayat korte rin ang nagpasok ng not guilty plea para sa mga ito.
Dakong alas-2:00 ng hapon nang dumating sa loob ng Batasan Complex ang helicopter na sinasakyan ni Estrada, kasama sina Sen. Loi Ejercito, Jinggoy, San Juan Mayor J.V. Ejercito at ang abogado nitong si Atty. Rene Saguisag. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest