^

Bansa

Kumander Global ng Sayyaf, 3 pa tiklo

-
Isang mataas na lider ng bandidong Abu Sayyaf at tatlong tauhan nito ang bumagsak sa kamay ng pinagsanib na mga elemento ng pulisya at militar sa Barangay Calumpang, General Santos city kamakalawa ng gabi.

Nadakip sina Nadzmi Sabdulla alyas Kumander Global at mga tauhang sina Halik Sabdani alyas Abujar, Saltimar Sali alyas Toto at Javier Sampang Sumhagan alyas Abu Kahir. Si Global ang nakatataas na lider ni Ghalib Andang alyas Kumander Robot.

Si Kumander Global ay sinasabing utak sa pagdukot sa Sipadan hostages, sangkot sa pagsalakay sa Pearl Farm sa Samal island at utak din umano sa dalawang pagpapasabog sa dalawang establisimiyento sa Gen. Santos City nitong nakaraang Linggo ng madaling araw na ikinasugat ng 12 katao.

Batay sa nakarating na ulat sa tanggapan ni AFP chief of staff Gen. Diomedio Villanueva, naaresto ang mga suspek sa tulong na rin ng mga residente na nagsumbong sa militar hinggil sa umaali-aligid na kahina-hinalang mga armadong lalaki sa kanilang lugar.

Sila ay nasakote bandang alas-7 ng gabi ng mga elemento ng Intelligence Unit ng PNP at 601 Brigade ng Phil. Army sa magkakahiwalay na operasyon sa Barangay Calumpang.

Ang pagkakadakip sa mga suspek ay ilang oras matapos maganap ang madugong pagpapasabog sa Rooftop disco at Cornstar lodge sa Rivera bldg. sa kahabaan ng Pioneer Ave. nasabing lungsod.

Pinaniniwalaan na nagtungo sa General Santos City ang mga suspek para magsagawa ng pambobomba nang sa gayon ay malihis ang operasyon ng militar na patuloy na tumutugis sa mga bandido.

Samantala, nag-agawan naman ng kredito ang PNP at AFP hinggil sa pagkakaaresto kina Global.

Sinasabi ng PNP na sila umano ang nakahuli pero iginigiit ng AFP na sila ang nakaaresto. Pinaniniwalaan na bukod sa karangalan at posibleng promosyon ay nag-aagawan sa kredito ang PNP at AFP dahilan sa "reward system" o sa umano’y makukuhang komisyon mula sa reward. May makukuha umanong komisyon ang law enforcement groups ng pamahalaan sa bawat mahuhuling mga opisyal ng bandido.

Ayon naman kay PNP chief Gen. Leandro Mendoza, hindi dapat pag-awayan ang reward money dahil ang tatanggap nito ay ang mga civilian informant.

Si Global ay may patong sa ulo na P5M at tig-P1M ang tatlo pa.

Naniniwala naman ang Malakanyang na malapit ng malansag ang bandidong grupo dahil sa sunud-sunod na pagkakahuli sa mga lider at tauhan nito. (Ulat nina Joy Cantos, Rose Tamayo atEly Saludar)

ABU KAHIR

ABU SAYYAF

BARANGAY CALUMPANG

DIOMEDIO VILLANUEVA

GENERAL SANTOS

GENERAL SANTOS CITY

GHALIB ANDANG

HALIK SABDANI

SI GLOBAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with