Ayon kay Rodriguez, maituturing na mga walang puso ang mga taong nagsasamantala sa mga biktima ng kalamidad na pati mga relief goods na nakalaan sa mga calamity victims ay ninanakaw pa ng ilang mapagsamantala.
Pati mga patay ay nagagawa pang pagnakawan ng kanilang vital organs para ipagbili nang hindi namamalayan ng mga kamag-anak nito.
Idinagdag pa ni Rodriguez na layunin ng kanyang panukala na protektahan ang karapatan ng isang ordinaryong tao kahit ito ay patay na. (Ulat ni Malou Rongalerios)