Ang pahayag ay bunsod ng umiinit na debate hinggil sa isyu ng "tithing" kung saan isang television station ang nagsagawa pa ng survey at kinuha ang posisyon ng mga mamamayan tungkol sa pagbibigay ng ikapu ng mga Katoliko.
Sinabi ng Cardinal na hindi siya pabor sa "obligatory tithing" at hindi dapat pag-usapan ang nasabing isyu lalo pat kung ikokonsidera kung gaano ang paghihirap na dinaranas ng mamamayang Pilipino.
Ayon sa Cardinal, ang mga debate sa isyu ng ikapu ay nagtatanim lamang sa mga isipan ng mahihirap na mamamayan na ang Simbahang Katoliko ay corrupt.
"Nasasaktan ako, dahil nasasaktan ang mga mahihirap," pahayag ng Cardinal.
Hindi umano kailangan ng Simbahang Katoliko ang mas maraming pera mula sa tao, ang mas kailangan ng Simbahan ay "kabanalan" hindi "ikapu" kasabay ng panawagan ng Cardinal na magkaroon ng determinasyon na mamuhay gaya ni Kristo. (Ulat ni Jhay Mejias)