Sahod ng foreign consultants pinabubunyag

Hiniling ni Senate President Aquilino Pimentel Jr. na ilantad sa publiko ang lahat ng foreign consultants sa iba’t ibang proyekto ng pamahalaan.

Sinabi ni Pimentel na malaking bulto ng mga grants o foreign loans ay napupunta lamang sa pagbabayad bilang pasahod sa foreign consultants na ito kaya nararapat malaman ng taumbayan kung ano ang naging papel ng mga dayuhang ito sa isinasagawang mga proyekto sa ating bansa.

Dapat umanong ipabatid ng government agencies at government-owned and controlled corporations kung sino-sino ang mga kinuha nilang foreign consultants kasama na ang magiging trabaho nila at tatanggaping compensations. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments