Sa House Bill No. 428 ni Pampanga Rep. Oscar Rodriguez, sinabi nito na tuwing panahon ng tag-ulan ay matinding trapik at baha ang pangunahing nagiging problema ng mga estudyante kaya kalimitang hindi nakakapasok ang mga ito.
Nais ni Rodriguez na ilipat ang school calendar mula sa Hunyo hanggang Marso sa Setyembre hanggang Mayo.
Sakop ng panukala ang mga mag-aaral sa elementary, high school at maging sa kolehiyo.
Ayon pa kay Rodriguez, hindi lamang mga mag-aaral sa Maynila ang naapektuhan ng palaging pag-ulan kundi maging mga estudyante sa probinsiya, partikular sa Central Luzon.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring rumaragasa ang lahar mula sa Mt. Pinatubo tuwing magkakaroon ng bagyo at matinding pagbuhos ng ulan. (Ulat ni Malou Rongalerios)