Ayon kay Cris Puno, provincial spokesman ng Basilan, kasalukuyang nasa posesyon na ng Sayyaf ang mga sasakyang kinabibilangan ng Honda Dream motorcycle na may plate number JD-9078 at Yamaha motorcycle, RD-987-393; L-300 van na kulay gray may plakang DET-600 at isang Highlander na kulay gold na may plakang LDJ-706.
Hindi pa lang mabatid kung nakarehistro ang mga ito sa Land Transportation Office o Land Tansportation Franchising Regulatory Board. Gayunman minomonitor na ang nabanggit na mga plate numbers at hinihinalang hindi totoong mga pangalan ang ginamit sa pagbili. (Ulat ni Rose Tamayo)