Abu Sayyaf namili ng mga bagong sasakyan
July 6, 2001 | 12:00am
ISABELA, Basilan - Matapos kumita sa limpak-limpak na ransom na ibinabayad ng mga pamilya ng kanilang bihag, namili na ng mga bagong sasakyan ang mga bandidong Abu Sayyaf at isang mataas na opisyal ng lokal na pamahalaan dito na hindi binanggit ang pangalan ang sinasabing katulong nila sa pamimili.
Ayon kay Cris Puno, provincial spokesman ng Basilan, kasalukuyang nasa posesyon na ng Sayyaf ang mga sasakyang kinabibilangan ng Honda Dream motorcycle na may plate number JD-9078 at Yamaha motorcycle, RD-987-393; L-300 van na kulay gray may plakang DET-600 at isang Highlander na kulay gold na may plakang LDJ-706.
Hindi pa lang mabatid kung nakarehistro ang mga ito sa Land Transportation Office o Land Tansportation Franchising Regulatory Board. Gayunman minomonitor na ang nabanggit na mga plate numbers at hinihinalang hindi totoong mga pangalan ang ginamit sa pagbili. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am