Ayon kay Gervacio, nagkataon na natapos na nila ang final draft ng dalawa sa anim na plunder case na pansamantalang nakapending na maaaring maisampa nila sa araw ng pagbasa ng kaso ni Estrada.
Ang isa lamang na naaalala ni Gervacio ay ukol sa P 1.8 bilyon GSIS/SSS investment na kung saan ang mga hepe dito ay pinuwersa umano ni Estrada na mag-invest sa Belle Corporation para maging jai-alai operator noong Oktubre 1999.
Ang apat na natitirang plunder case ay ang takdang pagkuha sa Mimosa Leisure Estate, P 2.4 bilyong pisong anomalya sa Coastal Road Project, Bro.Mike Velardes P1.2 billion land deal at ang ikalawang envelope na naglalaman ng mga cronies ni Estrada ay maaaring maisampa sa susunod na dalawang linggo. (Ulat ni Delon Porcalla)