^

Bansa

AFP kinakapos na sa sundalo

-
Kinakapos na umano sa mga sundalo ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung saan kulang na sila ng tinatayang 1,500 tauhan para pumalit sa mga nababakanteng puwesto ng mga nagreretiro nitong opisyal taun-taon.

Batay sa pahayag ni Phil. Army Chief Lt. Gen. Jaime delos Santos, hindi sapat ang bilang ng mga sundalong nagtatapos sa Philippine Military Academy (PMA) para punan ang kakapusan ng mga sundalong opisyal sa organisasyon.

Dahil sa problema, may posibilidad umanong magkulang na ang mga opisyal na mamumuno sa mga sagupaan at pagsasagawa ng operasyon sa mga lugar na sinasalanta ng kalamidad.

Inamin ni delos Santos na nakakaalarma ang patuloy na pagbaba ng statistika na nagsimulang magkaroon ng kakapusan mula pa noong 1995 kung saan may 120 opisyal ang nawawala kada taon.

Di naman binanggit kung kasama rin sa dahilan ng kakapusan sa mga sundalo iyong mga napapatay sa pakikipagsagupa sa mga rebelde sa kabundukan.

Kasabay nito, higit na tumindi ang paninindigan nito na salungatin ang pagbuwag sa Reserve Officers Training Course (ROTC) na maaaring makatulong para maengganyo ang mga kabataan na mag-sundalo.

Sinabi ni delos Santos na kailangan lamang paunlarin ang curriculum ng ROTC para malinawan ang kahalagahan nito sa kasanayan ng mga kabataan. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY CHIEF LT

BATAY

DAHIL

INAMIN

JAIME

JOY CANTOS

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

RESERVE OFFICERS TRAINING COURSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with