^

Bansa

Justice Badoy binatikos

-
Hindi dapat kaawaan ang dating Pangulong Estrada!

Ito ang sinabi kahapon ng militanteng Kilusang Mayo Uno (KMU) at Bayan Muna kaugnay sa ipinahayag na simpatiya ni Sandiganbayan Associate Justice Anacleto Badoy para sa dating Presidente.

Ayon kay Crispin Beltran, pinuno ng KMU at Bayan Muna, hayagan umanong ipinakikita ni Badoy ang pagkampi nito kay Estrada nang sabihin nito na ‘nasasaktan’ siya sa nangyayari kay Estrada.

Dapat umano ay sinarili na lamang ni Badoy ang kanyang personal na opinyon hinggil kay Estrada dahil tumatayo siyang hukom sa plunder case ng dating Pangulo.

Maaari rin umano itong magsilbing senyales na mapapawalang-sala si Estrada sa sandaling matapos na ang pagdinig sa kaso. Ang dapat umanong kaawaan sa ngayon ay ang mamamayang Pilipino at hindi si Estrada na diumano’y nagnakaw sa kaban ng bayan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

BADOY

BAYAN MUNA

CRISPIN BELTRAN

KILUSANG MAYO UNO

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG ESTRADA

SANDIGANBAYAN ASSOCIATE JUSTICE ANACLETO BADOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with