^

Bansa

Recruiter ng dalagita na ginahasa ng 15 Arabo, tugis

-
Hinahanting na ng mga awtoridad ang isang Nora Aquino Garcia, umano’y recruiter ng 15-anyos na dalagita na ginahasa ng 15 Arabo sa Kuwait at ngayon ay limang buwang buntis.

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) head Wilhelm Soriano, tinututukan ng kanyang tanggapan ang kaso ng biktima na itinago sa pangalang Patricia na napariwara ang kinabukasan matapos lokohin ng suspek na recruiter.

Si Patricia ay hinikayat umano ni Garcia para magtrabaho bilang entertainer sa Japan. Dala ng kahirapan ay napaniwala niya ang biktima, pero sa halip na dalhin ito sa Japan ay ibiniyahe ang dalagita sa bansang Kuwait.

Sa salaysay ng dalagita, gabi-gabi ay iba’t ibang lalaki ang gumagamit sa kanya hanggang sa siya’y mabuntis.

"Sa Kuwait, pag dalaga kang nabuntis ay siguradong kalaboso ka dahil ito ang kanilang pinaiiral na batas," wika ni Soriano.

Gayunman, sinabi ni Soriano na tutulungan niya si Patricia na magkaroon ng hustisya sa kanyang sinapit. Dinala na ang biktima sa DSWD para mapangalagaan, habang isang manhunt ang inilunsad laban kay Garcia. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

ARABO

AYON

BUTCH QUEJADA

GARCIA

NORA AQUINO GARCIA

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

SA KUWAIT

SI PATRICIA

SORIANO

WILHELM SORIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with