Pangalan ng mga opisyal na sobra ang taas ng sahod dapat ibunyag
June 28, 2001 | 12:00am
Dapat ibunyag sa publiko ang pangalan ng mga public officials na sumasahod ng mas malaki sa tinatanggap ng Presidente, Vice-President at Cabinet members.
Ayon kay Palawan Rep. Vicente Sandoval, hindi sapat na bawasan lamang ang kinikita ng mga ito kundi dapat ibunyag din sa publiko ang mga pangalan ng opisyal.
Umaabot umano sa P10 milyon ang sahod ng ilang opisyal ng gobyerno tulad ng PCSO at GSIS habang ang mga senior executives ay kumikita ng P300,000 buwanang sahod bukod pa sa transportation, representational at emergency allowances.
Hindi anya dapat ikahiya ng mga public officials ang pagpapalathala ng kanilang mga pangalan kung naniniwala silang makatuwiran ang kanilang tinatanggap na sahod.
Karapatan umano ng mamamayan na malaman kung saan napupunta ang ibinabayad nilang buwis.
Sinabi naman ni Budget Secretary Emilia Boncodin na aabot umano sa P258 milyon ang matitipid ng gobyerno sa isang taon kung mababawasan ang sobrang taas na sahod na tinatanggap ng top executives at board of directors o trustees sa lahat ng government-owned and controlled corporations (GOCCs) at government financial institutions (GFIs).
Nilinaw ni Boncodin na sa ilalim ng Memorandum Order 20 ni Pangulong Arroyo, lahat ng heads ng GOCCs at GFIs ay kailangang magsumite ng kanilang Pay Rationalization Plan. (Ulat nina Malou Rongalerios at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest