^

Bansa

ROTC bubuwagin ng Kongreso

-
Nagkaroon kahapon ng kakampi sa Kongreso ang mga estudyanteng tumututol sa pananatili ng Reserved Officers Training Corps (ROTC) matapos sabihin ni Palawan Rep. Vicente "Brown" Sandoval na gagawin niya ang lahat para mabuwag na ang kontrobersiyal na military training course.

Sinabi ni Sandoval na sa sandaling magbukas ang 12th Congress sa Hulyo 23 ay una niyang ipapanukala ang pagbuwag ng ROTC na labis umanong nagpapahirap sa mga estudyante sa kolehiyo.

Ipapalit umano sa ROTC ang isang programa na makakatulong sa pagpapalawak ng civic consciousness at patriotism ng mga kabataan.

Ipapanukala din niya na gagawin na lamang elective subject o extra curricular activity ang military training course para sa mga estudyante na nagnanais kumuha nito at nais maging miyembro ng militar pagkatapos ng graduation sa kolehiyo.

Hindi na umano bago ang mga reklamo laban sa ROTC at pinagmumulan lamang ito ng corruption at karahasan.

Sa halip umano na magandang asal ang ituro sa mga mag-aaral ay pagmamalupit sa kapwa at panunuhol ang kanilang natututunan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

HULYO

IPAPALIT

IPAPANUKALA

KONGRESO

MALOU RONGALERIOS

NAGKAROON

PALAWAN REP

RESERVED OFFICERS TRAINING CORPS

SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with