Binuwag rin ng Presidente ang mga cluster committee na kinabibilangan ng mga miyembro ng gabinete dahil sa malaking panahon ang naaaksaya ng mga ito sa mga ipinatatawag na pulong, matangi lang sa cabinet council on internal security na pinamumunuan ni Executive Secretary Alberto Romulo.
Gayunman, tumanggi si Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao na sabihin kung ito ay bahagi ng napipintong pagbalasa sa gabinete. (Ulat ni Lilia Tolentino)