Governor-elect Barbers malamang di makaupo sa pagpeke ng citizenship
June 26, 2001 | 12:00am
Pinangangambahang matanggal bilang Surigao del Norte Governor-elect si Robert Lyndon Smith Barbers, anak ni Sen. Robert Barbers, dahil sa deportation case na kinakaharap nito sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) hinggil sa umanoy pamemeke nito ng kanyang nationality.
Batay sa isinumiteng 10-pahinang reklamo na isinampa ni Engr. Ernesto Matugas sa pamamagitan ng abogado niyang si Atty. Homobono Adaza, inakusahan nito na isang American citizen si Barbers at mismong US Embassy ang nagdeklara na ito ay isang naturalized US citizen at holder ng US passport No. 14738741.
Sinasabing umalis patungong Los Angeles si Barbers at ginamit nito ang kanyang US passport simula December 1995 hanggang April 1996.
Wala rin umanong Alien Employment Certification mula sa Department of Labor and Employment si Barbers kaya dapat itong agad ideport dahil sa paglabag sa Philippine Immigration Law.
Kinondena rin ni Adaza ang Comelec dahil hindi nito inaksyunan ang petisyon na kumukuwestiyon sa citizenship ni Barbers bago pa ang halalan kaya naging malaki tuloy ang problema ng manalo ito. Pawang peke umano ang isinumiteng dokumento ni Barbers sa Comelec kaya napahintulutan itong tumakbo noong nakaraang halalan.
Bukod sa deportation, posible ring masampahan ng kasong perjury si Barbers, gayundin ng paglabag sa Omnibus Election Code. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest