Sa isang open court hearing na isinagawa kahapon, napagdesisyunan ng mga Justices ng Third Division sa pangunguna ni Justice Anacleto Badoy Jr. na gawin ang arraignment sa Hulyo 10, 2001.
Ipinagpaliban umano ang arraignment dahil sa mga pending motion na nakahain sa korte gaya ng inihaing mosyon ng PNP na humihiling na gawin ang pagdinig sa kaso sa Veterans Memorial Medical Center. Mahalaga umanong makapagpalabas muna ng desisyon ang Sandiganbayan tungkol dito.
Itutuloy naman ang arraignment bukas ni Atty. Edward Serapio, dating abogado ni Estrada na nahaharap din sa kasong plunder.
Ngayong araw na ito naman nakatakdang simulan ang pagdinig kung papayagan ng Sandigan na makapagpiyansa si Serapio. (Ulat ni Malou Rongalerios)