^

Bansa

Arraignment ni Erap, di tuloy bukas

-
Muling ipinagpaliban kahapon ng Third Division ng Sandiganbayan ang arraignment ni dating Pangulong Estrada para sa mga kasong illegal use of alias at plunder na nakatakda sanang gawin bukas.

Sa isang open court hearing na isinagawa kahapon, napagdesisyunan ng mga Justices ng Third Division sa pangunguna ni Justice Anacleto Badoy Jr. na gawin ang arraignment sa Hulyo 10, 2001.

Ipinagpaliban umano ang arraignment dahil sa mga pending motion na nakahain sa korte gaya ng inihaing mosyon ng PNP na humihiling na gawin ang pagdinig sa kaso sa Veterans Memorial Medical Center. Mahalaga umanong makapagpalabas muna ng desisyon ang Sandiganbayan tungkol dito.

Itutuloy naman ang arraignment bukas ni Atty. Edward Serapio, dating abogado ni Estrada na nahaharap din sa kasong plunder.

Ngayong araw na ito naman nakatakdang simulan ang pagdinig kung papayagan ng Sandigan na makapagpiyansa si Serapio. (Ulat ni Malou Rongalerios)

EDWARD SERAPIO

HULYO

IPINAGPALIBAN

ITUTULOY

JUSTICE ANACLETO BADOY JR.

MALOU RONGALERIOS

PANGULONG ESTRADA

SANDIGANBAYAN

THIRD DIVISION

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with