Berroya pinasisibak ng Tsinoy kay GMA
June 25, 2001 | 12:00am
Nagsimula na umanong magsipag-lobby kay Pangulong Arroyo ang ilang anti-crime groups mula sa mayayamang negosyanteng Tsinoy upang gapangin ang pagsibak sa puwesto kay Philippine National Police-Intelligence Group (PNP-IG) Director Sr. Supt. Reynaldo Berroya.
Ang hakbang na ito ay bunga ng kawalan umano ng kakayahan ni Berroya na mapigilan ang tumataas na bilang ng mga dinudukot na negosyanteng Tsinoy sa bansa partikular na sa Metro Manila na pumuna sa umano'y kakulangan ng rekord ng PNP at mga anti-groups sa dahilang marami umanong insidente ng kidnapping ang hindi naitatala ng pulisya.
Nabatid na nawalan na umano ng tiwala ang mga negosyanteng Filipino-Chinese kay Berroya na ipagpatuloy pa nito ang pamumuno sa PNP-IG.Mareresolbahan lamang daw ang problema sa kidnapping kung sisibakin ni Pangulong Arroyo si Berroya. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 1, 2024 - 12:00am
November 29, 2024 - 12:00am