Pagtitipid ng DECS nakadagdag na pambili ng armchairs

Tinatayang may 473,000 na mga armchairs ang nakatakdang bilhin ngayon ng Department of Education Culture and Sports (DECS) dahil sa ginawa nitong pagtitipid at pagtawad kaya dumoble ang nabili kumpara noong nakaraang pamunuan.

Ayon kay Secretary Raul Roco,dahil sa "sunshine principle" sa pinatutupad na bidding process ng kagawaran, nagawa nitong tawaran mula sa dating P750 na halaga kada armchair sa P485. Kung susundin ang mahal na presyo ng mga arm- chairs makakakuha lamang ang kagawaran ng 295,000 piraso.

Bumilis din umano ang pagdeliber ng mga armchairs sa mga paaralan dahil sa bagong sistemang ipinatutupad na pinapayagan ang manufacturer ng minimum order at bayaran kaagad ito upang makagawa muli. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments