Sa ulat na ipinarating kahapon ni Lantawan Mayor Tahira Ismael sa mga awtoridad, na noong Biyernes ng alas 7:00 ng umaga nang maganap ang pagdukot sa magkakapatid na sina Nadzmi, Patta at Nain Mustafa sa Sitio Luuk Hapak, Bgy. Matikang, Lantawan sa pangunguna ng grupo ni Kumander Isnilon.
Ang grupo ni Kumander Isnilon ay siyang responsable sa pananalakay sa Golden Harvest coconut plantation sa Bgy. Tairan noong Hunyo 11 at binihag nito ang 15 residente.
Ilang oras ang nakakalipas ay pinakawalan din ng mga bandido sina Patta at Nain samantalang naiwan si Nadzmi,14. (Ulat ni Rose Tamayo)