Intelligence officer ng Abu naaresto
June 24, 2001 | 12:00am
Nalansag ng pinagsanib na intelligence unit ng militar at kapulisan sa Zamboanga City ang Abu Sayyaf Network sa Basilan sa pagkakaaresto sa isa pang mataas na lider ng grupo na nagsisilbing intelligence officer ng mga bandido sa nasabing lalawigan at may patong na P1 milyong reward.
Kinilala ni Armed Forces spokesman B/Gen. Edilberto Adan ang nadakip na lider na si Mulu Abdullah alyas Boy Iran, Abdullah Yusof.
Si Boy Iran ang intelligence officer ng Abu Sayyaf sa Basilan na may misyong kumuha at magbigay ng direktang impormasyon sa ASG para sa kanilang operasyon. Kumikilos ito sa mga lugar ng Basilan-Zamboanga.
"Abdullah was captured in this city (Zamboanga) yesterday through the combined efforts of intelligence service units led by Col. Victor Corpuz through an informant who will get the P1 million reward," pahayag ni Adan.
Ayon pa kay Adan, ang pagkakahuli kay Boy Iran ay isang pagpapatunay na gumagana ang reward system na nilikha ng Pangulo.
Nabatid na si Boy Iran ay nirecruit ng nasawing ASG founder/leader na si Abdulrajak Janjalani. Mayroon itong standing warrant of arrest na inisyu ng Zamboanga City Regional Trial Court sa kasong bombings, robberies at kidnappings. Nahuli ito habang nagsasagawa ng pag-aaral sa mga lugar ng Zamboanga City para sa planong pambobomba ng ASG sa nasabing siyudad. (Ulat nina Rose Tamayo at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest