12 kidnappers timbog!
June 23, 2001 | 12:00am
Labindalawang miyembro mula sa nagsanib na dalawang grupo ng pinaghihinalaang big-time kidnap-for-ransom gang na responsable sa pagdukot ng Singaporean, Hong Kong at Fil-Chinese nationals ang naaresto ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon sa Nueva Ecija, Bulacan at Metro Manila.
Sa ginanap na joint conference nina PNP chief Gen. Leandro Mendoza, DILG Sec. Joey Lina, kinilala ang lider ng grupo na si Ariel Rodriguez habang ang mga kasama nito ay sina Juanito Magbanua, Adriano Cortez, Leonilo Malbeda, Luisito Gatmaitan, Guillermo Litao, Julio Regunton, Paolo Litao, Gerardo Litao at Armando Roque. Dalawa pang suspek ang di muna tinukoy ang pangalan habang sumasailalim sa interogasyon.
Nasamsam sa mga ito ang dalawang kalibre .45, isang shotgun, isang cal .25 pistol, tatlong sasakyan na kinabibilangan ng isang owner-type jeep, isang Toyota Corolla at isang Nissan Sentra, at apat na cellphones na ginagamit ng mga suspek sa kanilang operasyon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended