^

Bansa

8 bangkang kargado ng Sayyaf nakalusot sa kordon ng AFP

-
Nakapuslit sa kordon ng mga operatiba ng militar ang walong bangkang kargado ng mga bandidong Abu Sayyaf na namataang naglayag sa karagatan ng Isabela, Basilan.

Sa report mula sa AFP Southcom, namataan ang walong bangka palabas ng Basilan dakong alas-4:30 ng madaling araw ng dalawang helicopter, pero hindi nakayang masundan dahil sa kasalukuyang sama ng panahon kaya napilitang lumapag.

Bago lumapag, nagawang beripikahin ng tatlong ulit ng mga pilotong sundalo ang mga laman ng bangka bago tuluyang ipinaalam sa 103rd Brigade sa Tablawan, Isabela.

Karagdagang tropa ng Naval Forces South ang ipinadala para masundan ang mga bangka.

Hindi naman nilinaw kung tangay ng nakatakas na mga bandido ang mga bihag at kung kasama sina ASG leaders Khadaffy Janjalani at Abu Sabaya. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

BASILAN

ISABELA

JOY CANTOS

KARAGDAGANG

KHADAFFY JANJALANI

NAKAPUSLIT

NAVAL FORCES SOUTH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with