^

Bansa

P 20-M hingi ng Sayyaf sa 4 Pinoy hostages

-
BASILAN – Limang milyong piso bawat isa o kabuuang P20 milyon ang hinihinging ransom ng mga bandidong Abu Sayyaf kapalit ng kalayaan ng apat na bihag na Pinoy na dinukot mula sa Dos Palmas resort sa Palawan, pahayag ng isang back-door negotiator na nagpapatawag lamang sa pangalang Omar.

Ayon kay Omar, nakatakda na sana umanong palayain kahapon ang dalawa sa naturang mga bihag pero naudlot.

"Hiniling sa akin ng pamilya ng mga bihag na kung anuman ang napag-usapan namin ay huwag ilabas sa media, nirerespeto ko naman sila. Ang masasabi ko lang ay may mari-release at P5 milyon ang bawat isa," wika ni Omar.

Sinabi pa nito na tumutulong lamang umano siya sa pamilya ng mga bihag na kusa umanong lumapit sa kanya para sa pagpapalaya ng mga natitira pang Palawan hostages.

Gayunman, wala umano siyang balita sa mga Amerikanong bihag at hindi anya ito kasama sa negosasyon na kanyang hinahawakan.

Kabilang sa natitirang Palawan hostages na hawak ng Abu Sayyaf ay ang mag-asawang Amerikanong misyonaryo na sina Martin at Gracia Burnham, Luis Bautista III, Lalaine Chua, Angie Montealegre at Maria Fe Rosadeno, ang nobya ng pinugutang American hostage na si Guillermo Sobero. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ABU SAYYAF

AMERIKANONG

ANGIE MONTEALEGRE

DOS PALMAS

GRACIA BURNHAM

GUILLERMO SOBERO

LALAINE CHUA

LUIS BAUTISTA

OMAR

PALAWAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with