Perez ipalit kay Castillo bilang negosyador sa Sayyaf
June 19, 2001 | 12:00am
Humirit kahapon si Abu Sayyaf Spokesman Abu Sabaya at hiniling na maging negosyador ng pamahalaan para sa pagpapalaya sa nalalabi pang hostages sa lalawigan ng Basilan si Department of Justice (DOJ) Secretary Hernando ‘‘Nani’’ Perez.
Sa panayam ng Radio Mindanao Network, sinabi ni Sabaya na payag silang makipagnegosasyon sa pamahalaan kung gagawing negosyador si Perez kapalit ni William Castillo.
Ayon kay Sabaya, walang patutunguhan ang negosasyon kung hindi papalitan ng pamahalaan si Castillo sa hanay ng lokal na negosyador dahil wala silang tiwala rito.
Iginiit ni Sabaya na sa mga opisyal ng pamahalaan na maaaring maging tagapamagitan o negosyador ay wala silang ibang napipisil kundi si Perez na isang beterano sa larangan ng batas.
‘‘Si Justice Secretary Perez ang gusto naming negosyador, wala ng iba pa. Kung gusto ng gobyerno na makipag-negotiate sa amin para mapalaya ang mga hostages, ipadala nila kaagad dito sa Basilan ang gusto naming negosyador,’’ pahayag pa ni Sabaya sa RMN.
Sa kabila nito, hindi pa tuluyang ibinabasura ng bandidong grupo ang kanilang demands na patuntungin sa lalawigan ng Basilan sina ex-Malaysian Senator Sairin Karno at Malaysian businessman Yusuf Hamdan upang mapasimulan na ang negosasyon.
Sakaling bigyan ng go signal ni Pangulong Arroyo si Perez na makipagnegosasyon sa bandidong Abu Sayyaf ay unti-unti ng mapapakawalan ang nalalabi pang mga hostages. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended