2 pinalayang bihag nagbayad ng ransom?
June 18, 2001 | 12:00am
Zamboanga City - Nadismaya si Basilang Governor Wahab Akbar sa naging takbo ng pagresolba sa hostage crisis dahil kahit na pinapairal ang no ransom policy ng pamahalaan ay nagbabayad pa rin umano ng ransom ang pamilya ng mga bihag sa mga bandidong Abu Sayyaf.
Inihayag ni Akbar na nagbayad umano ng malaking halaga sa mga bandido ang pamilya ng pinalayang mga bihag na sina Francis Ganzon, 50 at Kimberly Jao Uy, 13.
Ayon kay Akbar,ang mga kamag-anak pa umano ni Abu Sayyaf Spokesman Abu Sabaya ang naging tulay sa pagbabayad ng ransom sa mga bandido.
Naging dahilan kaya nagsulputan umano ang " back-door negotiators" na ang motibo ay magkaroon ng komisyon sa ransom.
Kaya naman tinawagan nito ng pansin si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang binitiwan nitong banta na isama sa pagpuksa sa mga bandido ang mga sibilyan na nakikipagsabwatan sa mga ito.
Hindi naman masisisi ni Akbar ang mga pamilya ng mga bihag na nais makapiling pang buhay ang kanilang pamilya kahit na magbayad pa ng malaking halaga. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 20 hours ago
By Doris Franche-Borja | 20 hours ago
By Ludy Bermudo | 20 hours ago
Recommended